Tuesday, September 25, 2007

Hate that I love you

Days are passing without me texting you but its me finding the reason of it...

Weeks of sleepless nights its you I'm thinking, don't know what should I do..

Everytime I'm seeing your number on my phone my heart beats faster.

Want to talk to you but I don't have the strength..

Thinking of how will I open my heart and thoughts for you..

They say I should not talk to you anymore after the things that happened but a part of me wants to shout and cry for you to realize how much pain I'm feeling right now..

Blaming myself to keep loving you everyday eventhough I know you have someone else. maybe because I believe on what you've said that you love me, that even you have another girl it's still me you're thinking..

How stupid of me, still pretending I'm alright eventhough I am not..

Yes It's my fault to expect much from you but didn't think of leaving something for myself..

Dreaming that you and me in the end..

But all of this dreams went to a nightmare..
Help!!! I wanna wake up..

this song is really meant for what's going inside me right now..

That’s how much I love you
That’s how much I need you
And I can’t stand ya
Must everything you do
make me wanna smile
Can I not like it for awhile
No..

but you won’t let me
You upset me girl
then you kiss my lips
All of a sudden I forget
that I was upset
Can’t remember what you did

But I hate it

You know exactly what to do
So that I can’t stay mad at you
For too long, that’s wrong

Girl, I hate it
You know exactly how to touch
So that I don’t wanna fuss and fight no more
So I despise that I adore you

And I hate how much I love you boy (yeah)
I can’t stand how much I need you (I need you)
And I hate how much I love you boy (ooh)
But I just can’t let you go
And I hate that I love you so..

And you completely know the power that you have
The only one that makes me laugh

Sad and it’s not fair how you take advantage of the fact that I
Love you beyond the reason why
And it just ain’t right

And I hate how much I love you girl
I can’t stand how much I need you
And I hate how much I love you girl
But I just can’t let you go
And I hate that I love you so

One of these days maybe your magic won’t affect me
And your kiss won’t make me weak
But no one in this world knows me the way you know me
So you’ll probably always have a spell on me..

That’s how much I love you
How much I need you
That’s how much I need you
That’s how much I love you
That’s how much I need you

And I hate that I love you sooo...
And I hate how much I love you boy
I can’t stand how much I need you
And I hate how much I love you boy
But I just can’t let you go
And I hate that I love you so

And I hate that I love you so.. so..

Thursday, September 13, 2007

Remembering my High School days...

ang style din ng paglalahad ko eh ala Bob Ong,naispire ako sa binasa kong book nya yung ABNKKBSNPLako?..na tumutukoy din sa pagaaral nya..sobrang ang saya basahin at talagang bumalik ang mga alaala ko nung high school ako..especially nung binanggit doon na may friend siya na ulo ang pangalan.. basta enjoy na lng kayo..magcomment kayo huh?
.................................................XOXO-yeye.................................................

Last night nagpost ako ng bulletin sa Friendster account ko, actually survey daw yun, entitled buhay high skul(pagaya tropang chel,huh?) kc natuwa ako nung nabasa ko yung post nya kaya ginaya ko...hehehe..

Maraming questions talagang puro about sa High school..So naisipan kong gumawa ng blog about sa High School moments ko..Sarap kasing balikan ng nakaraan lalo at puro magaganda ang babalik mo..

1st year -kilalanin ang mga bagong mukha..

Actually wala akong masyadong maalalang mga pangyayari sakin nung year na ito, dahil mejo nagkaroon na ako ng memory gap ngayon..basta ang naaalala ko dito eh ang room namin eh parang kulungan kasi yung bintana rehas ang style..pangalawa sa dulo ang room ng section namin (1-Diamond na hindi pa uso ang paghihiwalay ng lalaki sa babae) tabi ng faculty room kaya mejo behave pa kami dahil bukod sa first year nga eh tabi nga ng room namin ang room ng mga guro namin..

"Masaya pla ang High School",maraming activities na sobrang bago sa panlasa at maraming mga bagong kaibigan kaming nakilala..anjang may taga kanluran at silangan..Hilaga at Timog..at kung taga taga saang planeta pa..Cyempre sa unang araw, parang nakakahiya dahil makikipagkilala kayo sa isa't isa eh ni hindi mo nga kilala ang pagmumukha ng mga taong nasa harapan mo..okay lang dahil lahat naman kami eh ganun sa isa't isa..pero ng lumipas na ang mga araw eh okay na lahat, chika dito chika doon, mayroong nakaupo sa kulay green na basurahan (na laging hinihila ni kuya saryo paghapon para itapon,at hindi nya iniisip ang ingay na dulot nun pag-hinihila), mayrong sa upuan lng namin na kulay maroon (hindi pa kasi uso ang arm chair noon),o kaya nasa tapat lng ng binatana ng room namin na parang mga preso, hinihintay ang aming mga dalaw..sa buong taon ko sa 1st year,ganun lng ang pinagaatupag namin pag-vacant namin..masaya naman dahil parang getting to know each other narin yun eh..hindi na namin na papansin ang bonding na nabubuo, pero walang nagkadebelopan sa batch namin, merong pa-ilan ilan pero dahil mga isip bata pa nga parang puppy love lang lahat at bigla rin namang nawala..isa pang nga plang naaalala ko eh yung kami ang nagchampion noon sa dance contest ng acquaintance party namin, 1st time at sa batch pa namin nagstart na pinapaubaya na sa 1st year ang pagkakapanalo bilang welcome na rin,natalo namin ang 4th year na nagbuga ng apoy at nag-attempt na sunugin ang katawan pero hindi pinalad masunog (kung nanunuod ka dat time maaalala mo ang tinutukoy ko) ..masasabi kong masaya ang 1st year pero walang bagay na talagang tumatak sa isip ko, exept sa pakikipagbati ko kay arjay (na hindi ko nakaimikan nung mga times na yun) sa aking parang batang paraan..basta,naaalala ko yung moment pero hindi ko maexplain dahil nga ang corny na ang baduy pa..

kahit na nga walang especial na ngyari eh okay lang at least pasado lahat..tutal hindi naman mahirap yung year na iyun dahil puro basic at back to elementary ang tinuturo ng teachers..
(sabay ang background na graduation song)..

2nd year-nagkulang ata kami???

Yipee, bago ulit ang lahat, bagong bag, notebook, papel, lapis, ballpen, wallet, sapatos, buhok, mukha, boses at kung anu anu pang bago..Buhok dahil bagong gupit, mukha na dating makinis eh naging tagihawat na na tinubuan ng mukha.. lalo na ang boses ng mga lalaki na dating cute noon eh nakakatakyut na sa laki..

Wala namang nabago sa samahan exept sa nawalan kami ng ibang kaklase..lumipat si Aron na nung 1st year ay honor student namin at c Kaselyn na achiever naman ata..

Nabawasan man kami ng bilang eh hindi naman nabawasan ang samahan dahil kahit malayo na sina Aron at Kaselyn samin eh ngkikita parin cla ng mga klasmeyts naming inilalaban sa mga dayuhan at cyempre nagkakachikahan parin tungkol sa x+y, 2x chuva,na tanging ang mga berdeng utak tulad nina Maki, Lexa, Grace at Alice ang nakakaintindi....sa pagkakaalala ko nitong year na ito walang transferry oh napadagdag galing sa ibang section..naka-focus din ang lahat sa pagaaral ng mabuti para a malawakang preparasyon sa darating na taon dahil 3rd year na kami at magiging trainees na kami,kailangang mameet mo yung requirements ni Sir Motil..nanjang wala pang training eh kung anu anu ng mga banta (salamat at hindi death threats ang natatanggap) mula sa mga 3rd year dahil ayon sa kanila eh makakatikim daw ang batch namin..hindi naman kami natinag at ginawa ang lahat ng makakaya..nabalitaan din namin na mahirap ang dinanas ng mga nasa upper year namin sa kamay ng mga officers nung time na yun kaya naman todo ang pagbabanta nila sa amin,.kami naman inenjoy na lang ang buhay..dito ata sa year na ito nagsimula ang routine namin ng paglakad tuwing uwian, instant exercise, hindi namamasahe, hughog ang taba kung meron man at lalo na ang excitement ng pagdaan ng tulay dahil sa pagaabang ng mga truck at mixer na dadaan dahil tuwang tuwa kaming kumakalog ang tulay pagdumadaan ang mga malalaking sasakyang ito..yun ang highlights ng paglalakad namin, ang saya para kaming mga bata..paguwian lang ito nagaganap kaya umuuwi kami sa aming mga tahanan na may mga ngiti sa mukha dahil lang sa mga kaengotang pinagaatupag namin..naalala ko na noon eh laging hiwalay ang section namin sa iba pang section, at ang lagi lang namin katabi eh ang room ng tropa naming cna jun,val at marami pang iba na sa dami eh hindi na mabanggit..sa buong taon namin sa high school laging kami ang magkadikit ng room, nung 1st year lang ata hindi??(hindi ko lng maalala,another memory gap ito)..sa larangan ng acquaintance eh hindi kami nanalo, kulang sa pondo noon ang section namin at hindi abot ng pondo ang maganda pa sanang sayaw na naiprepara namin..at dito na rin ata nagsimula ang aming mga "pakasam" after ng exam at mga activities..pati ang inuman sa silangan at sa kanluran (sa madaling salita inuman dito inuman doon,pero hindi ako kasali sila lang)..at dahil dito eh madalas ang pagpunta ng iba kong klasmeyts sa office para sa breifing kung "deal or no deal" pa cla sa pagaaral..na ang ginaagawa naman ng mga klasmeyts ko sa napakahabang breifing at homilia ni Ma'am Atienza eh pasok na lang sa kanang tenga at labas naman sa kabila..ayos!! hindi sila na suspendido,malakas ang mga magulang eh, at pusong monay naman c Sir Marqueses.. ito lng ang isa sa napakaraming kabulastugang pinaggagawa ng Batch namin na talagang tumatak sakin nungyear na ito..nakaranas din kaming maglinis at magpaganda ng room namin dahil sa mga bisita "kuno", floowax dito decoration doon, para ngang elementary..nanjang babasain pa ang sahig para mawala ang gabok..tapos maghihintay hanggang sa matuyo, masaya dahil laging takas sa gawing bahay (pero hindi nakatakas sa bakas ng floorwax sa damit oh pantalon)..ewan ko ba ga kung anong bertud ang meron sa mga Schools kahit noong Elementary pa ako, na kahit anung tamad ng estudyante eh sumisipag pag nasa mga schools na nila at kasama ang kanilang mga guro..ang pinakapaborito ko eh ang mga activities pag magpapasko na..may pabinggo, at anjan ang mga palaro na ang panalo ay magkakamit ng tumataginting na 3 piraso ng coke,sprite,royal na 1.5..masaya nga ito dahil pag uwi nyo sa inyo eh tuwang tuwa ang nanay at tatay nyo at may iinumin na kayo para sa hapunan..ilang beses na ako nagkamit ng ganitong pabuya at sadya namang "buhay na ng bawat pamilyang Pilipino ang Coke" (nagadvertise pa eh)..kasi si Ma'amTangguilig na Administrator sa School namin eh isang dealer ng Coke kaya namang pag may okasyon eh umuulan ng pag hindi 1.5 eh lata latang coke na minsan ng tumama sa ulo ko e di bukol..tsk tsk..Talk of the section din namin noong year na yun ang *Nsync..sobrang popular na banda nung mga panahong iyun..noon lang namin narealise na may mga pagkakapareho pala kami nina Rachel,April,Ivy Rose pagdating sa taste ng mga banda..at doon nagsimula ang mas malalim na bonding (thank you kay Lance, Justin, JC, Joey at Chris),nanjang kinikilig pag nakikita sa mga kilalalang music magazines at naririnig ang kantang This I promise you at makikita ko ang crush kong si Lance na naka-eye glasses pa na nagduduwariwap kasama ng iba sa music video ng nasabing kanta (ang pogi kong crush, mantakan mong nagladlad kamakailan lang)..memorable din sakin cna Leonard (na Leo ang nickname, lalaking lalake), Archie (na ng maglaoy tinawag na Ding) at si Jay Em (Jose Marie na tinawag namang ulo dahil malaki daw ang ulo niya,peace JM) dahil cla ang mga kaklase naming naging myembro na ng 3rd sex (gay/lesbian society, pink population at kung anu pang tawag sa kanila..nung naging trainees kami noong 3rd year na eh tinawag din silang tatlo na charlie's angels) ng panahong yun, sa madali't sabi nagladlad na ang mga bruha....noong 1st year ko pa sila napapansin pero nung year na ito na naging hayagan..at ang mga kalalakihan namin ay nalagas samantalang ang girls biglang dumami, presto at instant na instant diba??..Adviser namin ng time na ito si Ma'am Fem Barba,wala namang kabulastugang itinawag ang mga klasmeyts ko sa kanya..Wow naka 2 years na pla ako sa aking kinekwento..sa 2 years na ito eh 2years din akong naging room secretary namin, meaning simula 1st year at 2nd year ako ay uuwing may dalang notebook ng isa sa klasmeyt ko para kopyahin dahil hindi ko nga nakopya ang mga isinulat ko..nagkaroon ng maraming kalyo ang kanang daliri ko dahil dito..salamat sa masisipag kong guro na patuloy na nagpasulat sakin sa kabila ng lakas naman ng katawan nila para magsulat..
(yipee, magiging trainees na...)

3rd year - mga dakilang alipin..

"Huwwwwattt???kailangan ng ganyang grade para makapasok sa pagiging trainee",yan ang tanong ko sa isa kong kaklase noon..below average lang utak ko (hindi naman ako bobo) kaya hindi ko naabot ang grade requirements ng pagiging trainee..pero dahil nakita nila na marami kaming pursigido eh nagconduct na lang ng examination.."oi, may pag-asa pa"..photocopy dito, tickler doon..kailangang sauluhin ang mga batas, SOP (standard operating procedure hindi sobrang ok pare huh?) at kung anu anu pang mga kachuvahan ng Lolo Motil nyo..pero sabi nga face the consequences, kung nagaral ng mabuti noon pa edi sana eh trainee na ako kaagad..masaya dahil bukod sa section namin eh marami pang nag-audition mula sa ibang section (anu yun PBB, at may audition)..nakapila kasi kaming lahat ng magtetake ng exam sa labas ng rooms ng 3rd year..bawal ang may kodigo kaya hindi ligtas na magsulat ka ng mga sinaulo mo sa palad oh kaya ay sa binti (na madalas ginagawa nina mark)..malaking agaw eksena ka pag nahuli ka ni Lolo Motil..kaya talagang mahigpit..nagkataon na may drill noon ang mga magiging officers namin kaya si Lolo eh palipat lipat ng istasyon sa drill at sa exam..pinabantayan nya kami noon kay Sir Adju (Papa Gilbert) at kay Sir Hapon..at dahil sila ay may mga magagandang kalooban tinuruan nila kami ng mga isasagot namin..di katulad ng Corpse Commander nilang si Sir Dementor (Janpol) demented ka talaga (kung kasali ka sa mga taong tinawag cyang ganito,myembro karin ng mga asar sa kanya)..mabait daw ang tabachoy na ito, pero sa tingin naming lahat na asar sa pagiging arogante nya eh isa siya monster..(peace janpol) malalaman nyo kung bkit ganito na lng ang galit namin sa kanya sa pagpapatuloy ng aking kwento..Nang mairelease na ang exam na nabanggit ay nalaman na namin ang mga nakapasa at pasa---lamat dahil di makakatikim ng parusa..laking tuwa ko dahil sa awa ng Panginoong Lord eh nakapasa ako..pasalamat ako sa mga nagpahiram ng mga tickler nila at nagpakopya na rin.."trainee na ako" (wahahahahaha)..

Ito na ang katuparan ng lahat (buwahahahaha:na ayon kay kuya jeff eh tawang nakakaloko at naaning na)..Ito na rin ang simula ng pagpapabili ng kung anu-ano ng mga officers namin..anjang magtataka ka at nagpapabili ng kung poster..basta may usong cartoon series noon, at gusto nila ang magkaroon ng poster nga ng nasabing cartoon (ang mga tinamaan ng lintik bumalik sa pagkabata, dinaig pa yung pinsan kong grade 1)..nanjan din na pati pagbili sa canteen namin eh iuutos pa sa amin eh kung tutuusin mas malapit pa ang room nila sa room namin,na may ilang metro pa ang layo sa canteen kumpara sa kanila na ilang dipa la mang..ang mga kuribaw ginawa talaga ang asal..at ito pa, pag naguutos hindi nagbibigay ng pera na pambili (anu sila may patago)..naranasan din naming maglinis ng room nila na dapat ay sila ang gumagawa..floorwax kabi kabila,takot naman sila pag nalamang parating na yung teacher nila dahil baka makita kaming mga cleaners eh malalagot sila..wala kasi sa patakaran na pati trainees eh maglilinis ng room ng may room..kaya dapat sa pagpitik ng daliri nila wala na kami sa room nila..para kaming mga na-hypnotize ng mga walang awang officers namin..kasama sa mga pahirap
(na kung tawagin namin ay ang death threats na hindi naman nakakamatay) na sinasabi nila noong 2nd year pa lang kami ay ang pagcoconcert ng ilan sa amin (kahit may boses ako hindi ko naranasang kumanta sa harapan nila)..kanta dito, awit doon..kulang na lang accompaniment at isa na talaga itong malawakang concert for a cause, para hindi ka mapahirapan masyado sa drilling exercises dahil ika'y masunurin (kunwari lang yun, inuuto lang kami)..During our drills, gumugising kami ng 5am ng umaga para maaga kaming makarating ng school..yung iba mas maaga pa dito dahil sa mga kanluranin at silanganan pa sila nagmula..pag nalate ka siguradong tepok ka,para kang lamok at langaw na mag iikot sa buong paaralan bilang parusa..naranasan ko na ito ng isang beses at dahil ayaw ko ng maging parang mga langaw at lamok, pinili kong gumising ng maaga kahit labag sa mata kong namumungay mungay pa para lang hindi na ako malate sa mga exercises namin at baka maparusahan pa..hindi lang kami nagdidrill sa umaga dahil pati sa hapon nagdidrill din kami..masayang magdrill kasi enjoy pero mahirap dahil talagang bibigay ang katawan mo dahil ang mga magagaling naming officers ay papaiskwatin ka ng ilang minuto, na halos bumigay na ang tuhod mo pag katapos..galit na galit kaming lahat noon sa kanila, kala mo kung sinong mga hari at reyna..lalo na kay dementor(hari ng mga tabachoy) siya kasi ang pinuno ng lahat, sa kanya magpapaalam ang mga tauhan nya para gumawa ng mga karahasan sa amin.. ang isa pa eh yung pinagawa ni Mark Neil na nakasakit sa iba kong trainees (lalaki at lalakuwe)..nakapila kaming lahat, yung pila ng isang squadron, straight body, tiger look..tapos iniutos ni MN na dibdiban daw yung katabi namin..syempre dahil under kami ng hypnosis eh sumusunod kami, na habang lumalayo ang dibdibang dagukan mas lalong naging intense ang mga pangyayari..sa ika-limang tao mula sa guide ng pila nagsimula ang mas marubdob at masakit na dagok (tiningnan kasi ni MN at dementor yung ika-limang tao sa pila, at dahil sa takot eh mas nilakasan nito ang dagok sa kanyang katabi)..nakita yun ng mga ibang officer tulad ng childhood buddy ko na si Ysel kaya agad nya itong sinita (presto ligtas kaming mga kasunod sa dibdiban session..weeewww..buti na lang!!!)..ilan lamang ito sa maraming mga nangyari sa batch namin sa kamay ng mga mapang-aliping mga dayuhan (este officers pala)..at dahil sa pangaaalipustang nangyari ay lumabas ang damdaming Rizal at Bonifacio ng ilan sa aking mga kasamahan, at nagkaroon ng himagsikan (nalalayo na ako ah)..ang nauna eh c Mr. Martinez (cya pala ang pinapabili ng poster)..nagpabili cya sa nanay nya ng nasabing poster at dahil sa sobrang pagtataka at pati nga naman poster eh pinapoproject na inaakalang pinaguutos ng isa sa mga guro namin ay kaagad tumawag si Mrs. Martinez sa administration para itanong..napag alaman ang katotohanang isa ito sa mga walang kwentang pakana ng mga officers namin..napagsabihan sila dahil dito pero kaming mga trainees ang natimbog dahil napasama sila sa mga teachers at dahil nga doon eh pinagbawal ang contact ng trainee at officer pwera sa drills..kaya tuwing drill nakkaranas kami ng duck walk mula sa room namin hanggang sa field kung saan ngyayari ang mga karumaldumal na pagpapahirap tulad ng pumpings na umaabot ng ilang bilang(talagang sira ang mga pula ng mga officers namin kaya nila ito nagawa) at kung anu-ano pa..dahilan sa mga pangaalipusta sa amin iba naman ang ginawa ni Mr. Sanggalang, hindi na sa nanay nya nagmula kundi sa kanya na mismo, ang bro. ko nagsumbong kay Ma'am Ambro at Ma'am Tanguilig..kaming lahat ay muling natimbog sa drills..hindi ko nagustuhan ang mga nangyayari kaya gumawa ako ng paraan para ito'y matigil, to think na kabatch ko ang makakasagupa ko..(hindi ko na ikukwento dahil ayaw ko na maalala,tska talagang may memory gap na ako)..muntik ng mawalan ng trainees dahil dito..pero dahil marami ang tutol kasama na kami eh ipinagpatuloy parin namin sa kabila ng pagpapahirap sa amin di lang ng officers namin kundi ng amin ding Lolo Motil (commander namin)..maraming nagkasiraan..sa madaling salita nagulo ang lahat, ngunit nalampasan namin ang unos (naging Maalaala mo na kaya ang kwento ko ah, seryoso)..

Hindi lang sa training umiikot ang mundo ko noon, anjan nagkaproblema rin halos kaming lahat tungkol sa mga malalapit na kaibigan namin, nagkaroon ng di pagkakaunawaan..mababaw, di madukal na kadahilanan, marubdubing pangyayari..sa kabila ng lahat *Nsync parin ang paboritong banda namin (ang gulo noh)..hindi ko na ilalahad yung kwento dahil mahaba na itong year na ito (tropang chel, i love you,hehehe, utang ko sayo ang mga masasayang araw ko sa year na ito)..Sa kabuuan ng paghihirap masaya ako dahil inanounce na Wing Adjutant ako first time sa History ng TPI na magkaroon ng Adju na babae, exciting mag-troting (tama ga spelling?)..
(sabay ang awit ng pamela one, pame mela mela one..)

4th year - Graduating na!!!!!!


Maligaya kaming lahat dahil last year na namin ito, pero malungkot din kasi mamimiss namin ang mga masasayang araw namin..

Nagbago kami ng Commander sa katauhan ni Gammy bears (Sir Gamol)..siya yung nagturo samin ng sayaw namin nung graduation ng CAT..Iba iba ang mga naranasan namin sa taong ito sa larangan ng drills, mas madali kumpara kay Sir Motil, kaso boring dahil wala kami ginagawa masyado..

Favorite ko rin ang district athletic meet, ang sarap isigaw ng linyang "GO TPI, GO, GO, TPI GO"..gusto kong nagiimbento ng cheer para sa mga crushes ko sa kung saan saang team..apat na taon ko itong ginawa, consistent diba?..sabi nga ng teachers namin para daw kaming pinuputulan ng t*****l kung kami'y makairit..(aba ikaw na ang makasilay,naman!!) nakasama rin kami sa kung saan pang mga pagdayo ng mga laro, nakatulong kami ng mga teachers (takas kami sa Physics ni Sir Cabral at Geometry ni Pipino)..masaya dahil marami akong nakilalang kaibigan..dito ko rin nkita ang textmate ko na player (dala pa sa pagdayo ang katalandian..tsk tsk)..

Pag exam ang pinakamalupit sa lahat..hindi kami masyadong nahihirapang magsaulo ng mga sagot pati ng mga formula, kanya kanya na kasing gawa ng kodigo at gayun din ang pagpasok namin ng maaga para humingi ng leakage sa mga nagexam ng pang umaga, panghapon kasi ako, kaya viola!! may isasagot na kami kahit di nagaral..pangangahoy ang tawag doon ng mga guro namin na nagiging sanhi rin ng gulo sa pagitan ng mga teachers at honor students na pang umaga..hindi lang kasi sa amin nakakarating ang mga sagot kasi nakaabot din yun sa ibang section..

Ang maganda sa 4th year lahat ng room ng sections magkakatabi, syempre rehas parin kaya madaling magpasahan ng sagot..kami St. William sa una tabi ng hagdan, sumunod sina tropang jun na naman (St. Paul), sa kaliwa namin..pangatlo mula samin eh ang room nina Kuya Johnlo ko (St. Joseph), at kalos dito galing ang mga iba kong tropa, sumunod ang room ng ex-SF ko sina Lester (St. Jude) tapos katabi na ng Library ang room nina Luisa, na pinsan ko (St.Anthony)..masaya kasama ang mga ibang section na ito..ang gulo namin pag nasa labas kaming lahat at vacant..pag-vacant kasi andoon kami sa tapat ng room namin sa may damuhan, dala ko yung gitara ko..pinakapaboritong tugtugin ko eh ang request ni Maki na Minsan (yun yung kanta ng batch nina dementor nung graduation nila) ng E-heads..pero hindi namin nakakasama yung iba pa, ang tintukoy ko eh yung mga taga- St.Paul..dito rin lumabas ang taka ng mga klasmeyts ko, tinawag kasi sa kung anu anung alyas ang mga guro namin, una eh si Sir Crispino na tinawag na si piggy goat (yun nga ga?), si Ma'am Rosalina na si pakumbs (dahil sa buhok), si Sir Remigia na si Kupya (dahil matikas ang pagbigkas sa letter o), si Ma'am Marife na si "You're getting more worser" (phrase na sinabi niya na mali naman,to think na English teacher siya)..ito na lang ang naaalala kong tawag namin noon sa mga guro namin..

Tambayan din namin ang Library, ang lugar para sa mga matatalino (nandito ako pero hindi naman ako matalino)..ginagawa lang naming tambayan ito ng mga barkada ko sa ibang sections dito ko nakilala sina SF at Kuya eh..dito ako pumupunta pag badtrip sa room namin at mainit..mababait kasi kasama ang mga ito kaya okay sila..Minsan isinasama nila ako sa Canteen para ilibre, o kaya minsan ako ang nanlilibre para fair..gusto naming kainin ang Stork na ayon sa aking pag aaral eh ang "candy na nakakabaog"..ewan ko kung totoo ito pero kahit naniniwala ako eh kumakain parin ako dahil na adik na kami..basta magkikita kami ng mga tropa kong ito stork agad ang itinatanong namin sa isa't isa..

Pamatay din sa School namin ang Vandalism..pag hindi sa upuan na naging arm chair na eh doon sa kasulok sulukang parte ng C.R ng babae na puro kaaartehan lang ang nakalagay (sa loob ng 4 na taon, ito ang nagiging dahilan ng sampalan,sabunutan at talakan ng mga girls sa campus)..madalas ring kaming magdagdag ng nakasulat sa pinto ng CR pero minimal lng yun, at unrecognizable pa..pero masaya ang experience nang-aaway sa pamamagitan ng pinto ng CR (unique yun diba)

Naging President ako ng section namin sa taong ito, at napagkasunduan ng mga Faculty na ako na ang appointed na Student Council President..pasaway naman ako..pinaka nakakahiyang pangyayari eh ng mag-flag ceremony ang lahat ng late (na-late ako nun eh, minalas di umabot sa bell)..naiwan ang lahat ng late sa field para mag-flag ceremony ng sarili namin..bilang isa sa mga pasimuno ng late ako ang pinag-panatang makabayan (nakakapangliit yun talaga)..tawa lang ako ng tawa after noon kaya inulit ko ulit, este hindi ko na pla ulit inulit..dahil mga pasaway kaming lahat wala kaming naging mga J.S Promenade at recollection..pero nagkaroon kami ng field trip.. at ang destinasyon "DOST","Meralco" at "Star City"..Ang saya, gala kami ng gala tapos sakay sa mga rides..boring yung pinuntahang una kaya dito kami sa katapusan bumawi..nabasa ang palda ko dahil sa rio grande kami sumakay..

Marami pang nangyari pero dahil magiging boring na ang lahat eh marapat lamang na putulin ko na lng hanggang dito..

Muli ko na namang narinig umalingawngaw ang tunog ng graduation march..sa wakas nakatapos na rin kami..apat na taong puno ng kaalaman, kalolokohan at kabubulastugan..natapos na rin doon ang mga pakasam pagkatapos ng drill o exams at paglalakad namin galing eskuwelahan para abangan ang truck sa tulay..Masasabi kong naenjoy ko ang lahat ng year na ito, naranasan ang pagluha dahil sa maraming mga pangyayari, pagtawa sa simpleng mga bagay, magmahal sa maling tao, ibigin ka ng hindi mo naman mahal (marama ba?), pakikipag kaibigan sa hindi lang isang grupo ng tao at higit sa lahat ang kilalanin ang mga totoong tao sa aking buhay..maaring bata pa ako nga mga taong ito, pero naging malawak na ang pang unawa ko sa mga bagay sa paligid ko kaya malaking tulong ang apat na taon ko sa high school para sa paghubog ng mas matured na yeye physically, mentally at emotionally dahil lalo akong naging makulit, lalong lumakas ang taka, madaldal at naging praning narin..salamat sa mga kaklase kong hanggang ngayon ay di nakakalimot..

Sana mabalikan ko ang eskwelahan namin na puno ng mga ala ala ng Batch namin..
Ang mga KAbataang may LAkas Sipag At Galing -KALASAG

Sunday, September 9, 2007

when will it be me?

Sept.10,2007 (9:48 am)
Lat Saturday, umuwi si Camille from Manila.. Yun ang uwi nya na dinalaw ulit nya ako after magpasukan..syempre kwentuhan..actually wala maxado napagkwentuhan eh.. ayaw na cguro maisip pa yung mga nangyari sa kanya, bout danah, mark, angelo and her studies...

wala lng kaming ginawa kundi nanood ng TV at naghintay na maggabi.. tapos yun na, uwi na rin.. sisimba kc ako noon so konting oras lng kami ngkausap..

tiningnan ko yung phone nya, dahil yun lng naman hilig ko kutkutin sa gamit nun, pag hindi IPod eh yung Phone.. so nakita ko mga pictures and videos nya..

i saw a video, yung gumawa mukhang fanatic ng harry like me.. na ang gusto nilang mag end up together eh c harry at hermoine..clips from Movie 1-5 yung featured..plus yung background na music eh ang ganda...sabi ko ganda naman nito..sinulat nya yung title tapos umalis na kami kc mga 7:45pm na yun..eh maglalakad pa puntang simbahan..hindi na kami nagkasabay kc umuwi pa cya..
so yun..
pag uwi ko sinearch ko yung song..plus the lyrics..
grabe naappreciate ko talaga..sobra kc akong napapaisip eh...
tama yung song, when will it be me??..
para kcng sobrang hindi ko pa time eh, kc hindi pa dumadating yung right guy...

here's the lyrics..

I see the couple are walkin` by
Feel like I
Don`t wanna be alone today
So glad no one can see what I hide
Deep inside
How it feels to be
The girl who never gets the right guy
Tell me why
When there`s so much I`ve got to give
I wake up reaching out in the night
Ready to hold him tight
`Til I realize
That nobody is there

When will it be me?
When will I be the one
Somebody`s dreaming of?
When`s it gonna be?
When will I find my heart
Lyin` inside the arms
That never let me go?

I`d really like to know
When will it be me?

My friends seem to have all the love
(Feels like love.)
Knocks on their door and walks right in
I know that I am worthy of what I`ve been wishing for
I can`t wait no more
Love`s nowhere to be found

Feeling his tender touch
(Lying in his arms.)
Talkin` bout forever together
Givin` him all of my love
That`s been trying to break free

Don`t wanna be alone
No more
I`m telling you what I need
I want someone who loves me for me
And when will it be?
Wonder when will it be?


I ask myself
When will it be me?

Wednesday, September 5, 2007

maybe out of tune

Sunday:11:10pm (April 29,2007)
Considering yourself to be okay after what had happenned is the hardest thing I'm facing right now..Including the lost of self donfidence because I'm seeing myself like this really different from I was before..
For my relatives and friends, being batch kalasag's student council president and PMT's adjutant is a high adchievement i got so far..but for myself, singing with my co-choir members and praising God through our music is the greatest achievement I can be proud of..
But since June 26th last year, everything has change..thankful for being alive but a bit upset for I cannot do the things I'm doing before..Sad but, as I've said into my other blog "I must accept the reality",I shoul dcontinue life for God has a different plan for me...
Singing is one of my interests before..Seeing myself holding the mic and singing in our videoke is one of the moments lingering on my mind everytime I saw a friend or a neighbor singing..I missed myself doing those things, but all I have to do is just to accept that my voice won't back anymore..
A have a very bad feeling everytime I'm singing with my co-choir members..coz i feel that "pampadagdag lang ako sa kanila at hindi naman ako nakakatulong" plus the fact that I might ruin their wonderful sound,coz I'm considering myself "sintunado"...those words always run into my head..but last night when we have a choir practice for the upcoming concert..and we're like 20 persons..with only limited numbers of soprano singing..I heard myself singing the notes..not the right ones maybe, but the beautiful thing is I can sing, even I have a very small voice pa "ipit"...It's nice to see yourself improving especially in terms of what you're doing the most..
I can say that reading the books my friends gave me is one of the reason why I'm not crying every night..reading my books especially the bible make me whole again..
What a day it was..:p

it's been a year

June 24,2007 2:29pm
"Sometimes you have to fall from the mountain to realize what you are climbing for. OBSTACLES ARE PUT IN OUR WAY TO SEE IF WHAT WE WANT IS REALLY WORTH FIGHTING FOR. From every wound there is a scar, and every scar tells a story. A story that says, I survived."

From the past few months of struggle and difficulty, now i'm still here, being the same "me" that i was before.. Full of courage, hope, dreams and faith in God that every single thing that happened is happening according to his plans.. Thinking those moments from last year, is like a fresh morning breeze,flashing into my memory.. I can say that I'm already into it.. But hey, it's not just like that.. Hard i can say but getting harder whenever i thought and cried about it..

So,now i wrote this up to express my thoughts of dealing with my own fate after a year.. Being the strong person as i can be is the most wonderful thing i'm keeping in my pocket right now as i walk in the path of what God has provided me.. Every inspirational books and text qoutes I've read keeps me more confident and strong..

I'm pretty much thankful because in this i learned the real meaning of deep faith,forgiving and acceptance.. Bible became my haven for the past months, reading it and reflecting from it is a major factor in this journey, for without God and his gospels how can I make it through the storms..

So the best thing that we can do is to live our life to the fullest for we don't know what will happened in the next 24 hours.. So be the person that we wanted to be..

I will end up this blog with a text quote from a friend that says:
"How we deal with life is really a matter of personal choice, so choose to be happy. Find joy in the simplest things and see beauty in each person you meet. When times are difficult, remind yourself that no pain comes to you without a purpose.."